pickpocket
hindi ko namalayang
wala na pala
ang wallet kong
walang laman
kung hindi
isang daan at lima.
bigla kong naalala
nandoon din pala
ang letrato namin
noong kami pang dal'wa;
biglang nagbalik
tatlong taong kay saya
at ang sandaling
lahat ay nag-iba.
ngayon ako'y mag-isa
inang ko po nadukutan pa,
ngunit salamat
at nadukot rin
letratong nagpapa-alala
ngayo'y may dahilan na
upang tuluyang --
tuluyang limutin siya.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home